top of page

Taytay Builders' SPED, dinomina ang LSEN Athletics

Updated: Feb 21, 2020






Kumubra si CAYS SpEd John Lloud Bataller ng gintong medalya sa 400m, 200m at Long Jump upang pangunahan ang kampanya ng Taytay Builders na kumalawit ng 17 ginto, pitong pilak at anim na bronse sa ginanap na 2-day Learners with Special Education Needs (LSEN) Athletic Games ng 2019 Palarong Panlalawigan sa Marikina Sports Complex, Oktubre 21-22.


Nagpakitang gilas din si Rosemarie Dela Cruz sa larangan ng shotput na sinundan naman ng pagkapanalo ni Jefferson Montecalbo sa 100m run upang makapag-ambag ng dalawang gintong medalya sa Taytay.


"Training talaga ang susi para kami ay manalo. Kahit may mga kapansanan sila, kaya rin nilang ipamalas yung galing nila sa iba't-ibang larangan ng sports," pahayag ni Melissa Pantilanan, CAYS Sped Coordinator.

Mula sa anim na kategorya, bumida ang Taytay Builders sa shotput, long jump, 100m run, 200m run at 400m ngunit nabigong sikwatin ang titulo sa larangan ng bocce matapos mamayagpag ang San Mateo Blazers.


"Magagaling ang players ngayon. Sigurado akong skilled ang players at prepared sila kaya marami rin tayong naiuwi," ayon kay Pantilanan.

Pumangalawa naman ang One Cainta sa pangkalahatang kampeon nang mapasakamay ang siyam na ginto, limang pilak at tatlong bronse.


Samantala, nasa ikatlong pwesto naman ang San Mateo Blazers matapos selyuhan ang limang ginto, tatlong pilak at isang bronse.


Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli ang Rizal Skylarks sa Dual Meet nang pataubin ang One Antipolo sa pagkopo ng 21 gintong medalya sa Rodriguez, Rizal, Nobyembre 19-20.


"Ginawa po talaga namin yung best namin para manalo dito," saad ni Jonnalyn Cuarico, SPED Screening Committee Chairperson.

-Trinity Espiritu/AngSipol2020online.com

12 views0 comments

Comments


bottom of page