top of page

CAYS Gymnastics Team bumirada sa Municipal Meet, kumopo ng limang medalya

Updated: Feb 21, 2020





Kumopo ang Casimiro A. Ynares Senior Memorial National High School (CAYSMNHS) ng kabuuang siyam na medalya - limang ginto, isang pilak at tatlong tanso sa pamumuno ni 15-year old Carla Marie P. Reston sa kategoryang Rhythmic Gymnastics sa Municipal Meet 2019 na ginanap sa Taytay Elementary School (TES) noong Agosto 9, 2019.


Nagpakitang gilas agad sina Reston, Justine Reyes at grade-7 student Antonnia Pamatmat nang humataw ng nakamamanghang eksibisyon sapat para sikwatin ang pangatlo, pang-apat at pang-anim na pangkalahatang pwesto.


Nagtarak si Reston ng kabuuang 23 puntos, na sinundan ni Reyes na may 19.8 puntos habang 15.2 puntos naman kay Pamatmat, dahilan upang kalawitin agad ang isang ginto at tatlong tanso mula sa para sa koponan.


Bumagsak mula sa pangatlong pwesto si Reston na dating pumangalawa noong nakaraang taong matapos umarangkada ang iskor nina Trisha Montifalcon na may 24.4 puntos at Khyla Vinencio na may 23.4 puntos, sanhi ng pagkuha ng unang tanso ng CAYS.


Hinirang naman ni Chynna Lamoste ang ginto sa kategoryang Aero Gymnastics Women's Individual matapos magtala ng 3.9 puntos kaakibat si Jhun Mendoza ng Men's Individual na may anim na puntos upang kumubra ng nag-iisang pilak.


Nanalasa naman sina Lamoste at Mendoza bilang kalahok sa mixed pair matapos umukit ng kabuuang 8.4 puntos upang iuwi ang gintong medalya.


Bumandera naman ang CAYS trio nang maglista ng kabuuang 6.5 puntos upang patumbahin ang 3.9 isinumiteng puntos ng Benjamin B. Esguerra Memorial National High School (BBEMNHS), dahilan upang sungkitin ang gintong medalya dagdag pa ang gintong medalyang nakamit ng CAYS team. -Angelica Caldo/AngSipol2020online.com

38 views0 comments

Comments


bottom of page