top of page

Taytay Arnis Team sumipat ng 12 medalya sa 2019 Provincial Meet

Updated: Feb 21, 2020





Humakot ang Taytay Builders Arnis Team ng kabuuang 12 medalya - walong ginto, tatlong pilak at isang tanso sa pangunguna nina Angelito Aggabao at Melody Legaspi sa katatapos na Provincial Meet na ginanap sa Marikina Sports Center noong ika 21-23 ng Oktubre. Bumanat ng panimulang porma ang kampanya ng Taytay Builders sa pamumuno nina Meler Indico at Legaspi na may iskor na 29.00 at 29.40 sa Secondary Boys and Girls Individual Single Weapon, dahilan upang sumipat ng tig-isang ginto at pilak.


Sinegunduhan ito nina Aggabao at Legaspi ng tig-isang ginto nang magtarak ng tig-29.50 na iskor sa kategoryang Secondary Boys and Girls Individual Double Weapon.


Nanalasa rin ang galing nina Aggabao at Rhian Pangusan sa Secondary Boys and Girls Individual Espada Y Daga matapos magsalpak ng iskor na 29.50 at 29.70, sapat upang kamigin ang tig-isang ginto.


Hindi rin nagpahuli ang Taytay Builders pagdating sa kategoryang Secondary Team Single Weapon at Double Weapon sa tulong ni Aggabao kaakibat sina Indico at Mark Aggabao sa Boys Category at Legaspi kaakibat sina Lovely Legaspi at Rhian Pangusan sa Girls Category, dahilan upang selyuhan ang tatlong ginto at isang pilak.


Bumirada rin ang kampanya ng Taytay Builders sa kategoryang Secondary Team Espada Y Daga sa tulong ni Aggabao, Indico at Mark Tayag sa Boys Category at sina Melody Legaspi, Lovely Legaspi, Pangusan sa Girls Category upang kumubra ng pilak at tanso. -Kyla Renee Sapno/AngSipol2020online.com

30 views0 comments

Comentarios


bottom of page