top of page

Rise of the Chess Grandmaster

Updated: Feb 21, 2020





Bagama't sa murang edad ay masasabing isang malaking hangarin ang pagiging Chess Grandmaster, hindi naging hadlang para kay Emmanuel Barbosa ang kanyang edad upang gamitin ang kaniyang mga natutunan sa paglalaro ng Chess upang sundan ang yapak ng kaniyang kapatid at maabot ang kaniyang inaasam na titulo, ang pagiging chess grandmaster.


Murang edad pa lamang nang magsimulang pasukin ni Barbosa ang mapanghamong laro ng chess,mula sa impluwensiya ng kaniyang ama at ng kaniyang kapatid na pawang propesyunal sa larangang ito, nagsimula ang talentong magpapakilala at magpapatanyag hindi lang sa kaniyang sarili ngunit para na rin sa kaniyang pamilya.


"I found it interesting because chess has similarities in my personality like planning moves ahead and being analytical" saad ni Barbosa

Tila isang pintong puno ng oportunidad ang nagbukas kay Barbosa nang mabigyan siya ng pagkakataong dalhin ang pangalan ng kaniyang eskwelahan sa Municipal Athletic Meet kung saan nakapag uwi siya ng Bronse.


"Placing 3rd out of all the contestants is not bad for a first timer" paglalahad ni Barbosa.

Ngunit sa likod ng mga pagbati at pagkilala para kay barbosa sa kaniyang pagkapanalo nagkukubli ang pagnanasang manalo ng ginto at dalhin ang pangalan ng paaralan sa Nasyonal ng lebel.


Sa bawat araw na lumilipas walang humpay na pagsasanay ang ginagawa ni Barbosa upang masmapabuti pa ang sarili at mapaghandaan pa ang mga suusnod ng laban.


Patunay si Barbosa na lahat ng paghihirap ay masusuklian, sapagkat mapalad ang naging landas niya noong nakaraang taon kung saan nakapag uwi siya ng gintong medalya sa Municipal Meet, Provincial meet, Dual meet at susubukan naman niyang sungkitin ang ginto sa Southern Tagalog CALABARZON Athletics Association ( STCAA ).



Sa bawat pagtanggap ng mga medalya at sertipiko nabuo ang isa pang pangarap,ito ang masundan ang yapak ng kaniyang kapatid na isa na ngayong Chess Grandmaster sa ibang bansa.


"I like to follow his steps and i'd love to be a Chess Grandmaster too. If mahigitan ko sya, that's good because I know that he'll be proud of me if I do that” saad ni Barbosa

Sa kabila ng lahat ng natatamasa ni Barbosa hindi pa rin lumilihis sa kaniyang isipan na hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng maykapal na siyang nagbigay ng kaniyang talento, dagdag pa rito ang pagpapahalaga niya sa mga taong nagsilbing anino niyang sumusuporta at nagsusustento sa kaniyang mga laban.


"Yung parents ko sila yung laging nagbabayad ng entrance fee ko sa mga tournaments ko so dito naboboost yung determinasyon ko para manalo."

Patunay lamang si Barbosa na malaking tulong para sa kaniyang pangarap ang maliliit na hakbang na kaniyang ginagawa, ang patuloy na pagpupursigi ni barbosa ang maglalapit sa kaniya at magpapaangat sa kaniya upang matamo ang titulo at masundan ang yapak ng kaniyang kaptid ang pagiging Chess Grandmaster. -Lovely Casi/AngSipol2020online.com

117 views0 comments

Comments


bottom of page