top of page

Sarbey: Isa sa tatlong Taytayenos lamang ang may-ari ng Tiangge

Updated: Feb 21, 2020


Nagtatahi si Ricardo Danilo, 34 ng kanilang ibinebenta sa Taytay Tiangge noong ika-24 ng Agosto 2019.



Umalma ang ilang Tiangge Investors sa Taytay matapos lumabas sa isinagawang sarbey ng ‘Ang Sipol’ na 33 porsyento lamang ng Tiangge ang pagmamay-ari ng Taytayenos na salungat sa Foreign Ownership Limitations.


Batay sa Foreign Ownership Limitations, hindi maaaring bumaba sa 60 porsyento amg pagmamay-ari ng ‘locals’ sa isang establisyimento na kabaliktaran ng 33 porsyentong Taytayenos sa Taytay Tiangge.


“Mas pinaprayoridad nila ‘yung mas malaking capital sa negosyo. Karamihan kasi rito, Muslim. Siguro, sila ‘yung may malalaking puhunan kaya sila ‘yung inuuna,” ani Jessica Auguis, isa sa mga nagmamay-ari ng puwesto sa tiangge.

Kilala ang munisipalidad ng Taytay bilang ‘Garments and Wood Capital of the Philippines’ kung saan makikita ang Taytay Tiangge ngunit nakakalungkot isipin na karamihan sa mga nabebenta rito’y hindi Taytayenos, ani Auguis.


Kaugnay nito, iminungkahi din niya na mas palakihin pa ng Local government unit (LGU) ang ‘ownership rate’ ng Taytayenos dahil aniya, maliit pa rin ang 60 porsyento para sa mga ‘di kayang upahan ang malaking renta sa tiangge.


“Mas palawakin pa natin ‘yung kaalaman natin sa pagnenegosyo, Dagdagan pa natin ‘yung mga nagnenegosyo na Taytayenos kasi sila dapat yung mag-occupy, hindi taga-ibang lugar. Kaya nga Taytay Tiangge eh.Palakasin natin yung sarili nating mga produkto."

Bumwelta naman ang Taytay Business Permit and Licensing Office (BPLO) at sinabing hindi nila kontrolado ang mga namumuhunan sa tiangge.


Sa isang panayam, sinabi ni BPLO Secretary Judit Ines na ‘private investors’ ang may hawak sa mga gusting magnegosyo sa ibang stall ng tiangge dahil may batas na pumoprotekta rito.


“Pagmamay-ari ‘yan ng private investors kaya hindi natin ‘yan pwedeng galawin. Property nila ‘yun, kaya sila ang may hawak ng mga nagrerenta riyan,” paliwanag ni Ines.

-Ezekiel Sagurit/AngSipol2020online.com

11 views0 comments

Comments


bottom of page