top of page

Pagtatanim ng ‘Mushroom’ sa CAYS, sinimulan na

Updated: Feb 21, 2020






Matagumpay na nakapagtanim ang Science Department ng isang uri ng mushroom, sa kabila ng mga kakulangan sa kagamitan at pasilidad sa paaralang Casimiro A Ynares Sr. Memorial National Highschool (CAYSMNHS).


Nitong nakaraang taon, sa pangunguna ni Anaceto Dialino, guro sa Agham, nagsimulang magpatubo ng Oyster Mushroom ang Science Department, isang uri ng mushroom na kadalasang tumutubo sa tropical countries kagaya ng Pilipinas.


Sa kabila ng pagiging matagumpay ng proyekto, hindi pa rin naitanggi ni Dialino na mayroong kakulangan sa pasilidad ang paaralan lalo na sa mga kailangang kagamitan.


Ilan sa mga problemang ikinahaharap ng departamento ang kawalan ng malinis na lugar para sa paghahanda ng mga kagamitan, malawak na espasyo at matabang lupa na pagtatanamnan.


Aniya, "Laging nacocontaminate yung mother culture kasi we lack of, [equipments] like autoclave o yung specialize pressure cooker."

Dagdag pa niya, mahalaga ang autoclave o kagamitang ginagamit sa paglinis ng mga kasangkapan gamit ang mainit na pressure para mai-sterilize o malinis ang mga culture media na ginagamit para sa pagpapatubo ng mushroom.


Inamin naman ni Dialino na madalas napupuna ang kanilang proyekto dahil sa mabahong amoy nito, ngunit ayon sa kanya,hindi ito maiiwasan dahil sa mga katangian nito.


"Kadalasang napupuna [ang proyekto] dahil sa amoy nito pero ganun talaga kasi ano yun, hot- compost so ibig- sabihin kapag nabubulok sila, bumabaho sila,” aniya.

Sa kabilang banda, isang opurtunidad ang proyektong ito lalo na't maaari itong ibenta at gamitin ang kikitain para ipambili ng mga kagamitan.

-Stephanie Umali/AngSipol2020onlie.com

11 views0 comments

Comments


bottom of page