top of page

Mag-aaral, naalarma sa nahukay na vintage bombs

Updated: Feb 19, 2020


Ipinapaalam ni G. Michael Gavino, guro sa Filipino ang patungkol sa pagkakaroon ng vintage bombs na sakop ang paaralan ng Casimiro A.. Ynares Sr. Memorial National High School noong ika-22 ng Nobyembre 2019.




Ikinabahala ng marami ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan matapos mamataan ng ilang estudyante ang tatlong recovery bomb nitong Marso.


Ayon kay School Disaster and Risk Reduction Management Council (SDRRMC) Head Armando Basilan, maaaring nagkaroon ng kapabayaan sa parte ng Philippine National Police (PNP) Explosive and Ordinance Division (EOD) kaya namataanangmga ‘explosive device’.


“Siguro, may negligence sa part ng department. Inisip nila na opisina nila ‘yun kaya hindi nila inanticipate na gano’n yung magiging reaksyon ng mga estudyante,” paliwanag ni Basilan.

Kaugnay nito, nilinaw ni Basilan na hindi sinasadya ang pagkakalagay ng explosive device malapit sa paaralan matapos ang isang recovery operation sa Antipolo City.


Nakipag-coordinate na ang PNP-EOD ukol sa insidente at nangakong hindi na mauulit ang insidente lalo’t kapakanan ng mga mag-aaral ang usapin dito.


Sa kabilang banda, nagsagawa na ng Bomb Safety Seminar ang EOD sa paaralan upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga ganitong sitwasyon.


“Regarding doon sa mga precautionary measures, nag-conduct na sila ng Bomb Safety Seminar para magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral,” pahayag ni Basilan.

Dagdag pa rito, humingi na ang paaralan ng secondary gate sa awtoridad na ilalagay sa likod ng paaralan upang mas ma-monitor nila ang paglabas-masok ng mga mag-aaral sa perimeter ng paaralan.


“Dati pa lamang, nag-request na tayo sa kapitolyo ng secondary gate nailalagay along the CAYS Avenue. As the Ynares 6 will start to operate, siyempre, mas gusto nating masiguro‘yung security inside the premises of our school,” paglilinaw ni Basilan.

Matatagpuan ang Ynares 6, ilang metro lamang ang layo mula sa isang firing range ng PNP-EOD kaya prayoridad ngayon ng paaralanang secondary gate at upang maiwasan ang mga ‘accidental firing.’ -Trinity Espiritu/AngSipol2020online.com

14 views0 comments

Comments


bottom of page