top of page

Like-based projects, tinutulan ng mga mag- aaral

Updated: Feb 19, 2020



Tinitingnan ni Keane Verceles, ika-pitong baitang, ang mga larawang may kaugnayan sa proyekto ng mga mag-aaral na kakailanganin ng maraming bilang ng ‘like’ upang makakuha ng mataas na grado sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School noong ika-27 ng Nobyembre 2019.




Pinabulaanan ng mga mag-aaral ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School (CAYSMNHS) ang pagpapagawa ng proyekto kung saan kakailanganin ng maraming bilang ng ‘like’ ang proyekto upang makakuha ng mataas na grado.


Ayon sa isinapublikong artikulo ng Department of Education (DepEd) at Department of Information and Communication Technology (DICT), magdadala ito ng isyu sa bata o mag-aaral na maaring maging sanhi ng ‘cyber-bullying’ at breach of privacy na sinang-ayunan ng mga mag-aaral.


Kaugnay nito, maaring bumaba ang confidence ng mga estudyante at ang pinakamalala, maaring makakuha ng pribadong detalye sa mga menor de edad na maaring maexpose sa mga estranghero o ‘di kilalang tao.


“Our students must be protected from unnecessary dangers in social media. Projects like these must be contained in a secured platform.”, wika ng DICT President Rodolfo A. Salalima.

Batay sa serbey na isinigawa, humigit 83% ng Caysmerinian ang hindi sang-ayon sa ‘like-based projects’ na ipinapagawa ng mga guro bilang proyekto o performance task.


“Hindi dapat binabase sa bilang ng likes ang grado ng mga estudyante, paano kung hindi ‘famous’ kuno ang bata? Eh di mababa ang grado? Bagsak?”, reklamo ni Cathleya Quilloy, magulang ng mag-aaral sa CAYSMNHS.

Paliwanag naman ni Rhoda Perez, guro ng nasabing paaralan, hindi naman niya binabase sa bilang ng ‘likes’ ang mga gradong binibigay niya sa mga mag-aaral ngunit kasama ito sa curriculum na ibinigay sa kanila.


“Ako, hindi ako nagbabase sa likes sa grade na binibigay ko. Kasama lang talaga sa curriculum na dapat ipost sa ‘tanghalang madla’ o social media yung ibang outputs pero hindi ako nagbabase sa likes don.”, paliwanag ni Perez.

- Alray Angustia/AngSipol2020online.com

19 views0 comments

Comments


bottom of page