top of page

Inihaing 'Overpricing Ordinance' ng TMTFR pabor sa mga mag-aaral

Updated: Feb 19, 2020


Iniaabot ni Jc Mark Asunsion, 15 ang kaniyang bayad sa traysikel drayber sa New Taytay Public Market noong ika-23 ng Nobyembre 2019.




Pinaburan ng mga mag-aaral ang pagpapatupad ng bagong ordinansa sa labis na paniningil sa mga pasahero ng tricycle driver, lalo na sa mga estudyante na dapat may 20% discount.


Sa isang panayam, Inihayag ni Taytay Municipal Tricycle Franchising Regulatory (TMTFR) Chief Marcel Anthony Moll na plano niyang maghain ng bagong ordinansa para sa Common Fare Matrix kung saan magkakaroon ng iisang presyo ng pamasahe ang mga terminal ng tricycle sa Taytay upang masolusyonan ang 2-3 kaso ng over-pricing ng paamasahe ng Tricycle sa Taytay linggo-linggo.


“As soon as umupo yung council, we will propose the changes and yung mga amendments if necessary. Kami na ang magpo-propose noon. That would be up to the council natin kung kailan nila aaprubahan at ii-enact yung ordinance,” pahayag ni Moll.

Dagdag pa niya, hindi lang ‘dagdag-pasahe’ ang mareresolba nito kundi layunin din nitong masolusyonan ang mga kulorum na tricycle sa Taytay.


Ayon kay John Paul Quilloy, pangulo ng Tikling Tricycle Operator and Drivers Association (TTODA) walang naitalang kaso ng ‘overpricing’ sa kanilang TODA na salungat sa inirereklamo ng mga mag-aaral sa CAYSMNHS.


“May buwaya talagang mga drayber, may numero naman ng TMTFR kada taripa, depende na lang sa kanila kung irereklamo nila. Maaring makumpiska ang lisensya sa oras na mahuli o may magreklamo sa kanilang pasahero. Sari-sariling diskarte na nila yun.”, pahayag ni Quilloy.

Samantala, sinabi ni Rose Arabela Pascual, mag-aaral sa CAYSMNHS, na dagdagan pa ang mga enforcer dahil 8 enforcer lamang ang naitalang hawak ng TMTFR.


“Makakabuti yung ginawang at ipinroklamang naging ordinansa ng TMTFR dahil nakakatulong ito sa aming mga estudyante para makatipid, sa dami ba naman ng babayaran sa school pero sana dagdagan naman ang mga enforcers, kasi ang dating TODA sa Taytay, pa’no yun?”, wika ni Pascual.

-Ricca Alido/AngSipol2020online.com

10 views0 comments

Yorumlar


bottom of page