top of page

Dalawang mukha ng pagmamahal: Pag-ibig sa dobleng 'ligaya' sa buhay ni Rowena Santos

Ang Sipol 2020

Updated: Feb 21, 2020




Namuhay man bilang ina at ama sa kaniyang kambal, hindi ito naging hadlang para kay Rowena Santos na ibigay ang doble-dobleng pagmamahal at pag-aaruga sa kaniyang pamilya.


Sa pagtatrabaho, mahirap man kay Rowena ang pagiging isang maintenance personnel at GPTA utility ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School, pinagsasabay pa rin niya ito para sa kaniyang kambal na sina Anna Camille at Anne Colleen.


Bukod dito, sinasabi rin niyang kaya niyang ma-'maintain' ang pagiging isang ina sa kambal sa kabila ng pagod niya bilang isang maintenance personnel.


"Sa tingin ko nagagawa ko naman ang trabaho ko bilang ina sa kanila. Mahirap man pero kapag nakita po 'yung saya nila, sumasaya ka na rin, " ani Rowena.

Kahit pinag-iigihan ni Rowena sa trabaho, mababatid pa rin ang mga pag-aalala niya sa mga anak na maaring makatanggap ng mga panlalait dahil sa nakikitang trabaho niya.


"Natatakot nga ako na baka ikahiya nila ako dahil sa trabaho ko pero kapag tinatanong ko sila, sabi nila proud naman sila," nakangiting pahayag niya.

Mula sa sinabing ito ng kaniyang kambal, mas naging determinado siyang gampanan ang kaniyang trabaho sa kanilang tahanan at maging sa paaralan.


Bunsod naman ng nakalakhan niyang trabaho, doon nagmumula ang itinuturo niya sa kaniyang kambal na pagiging magalang at mapagkumbaba sa ibang tao.


Aniya, "kahit tagalinis lamang ako ng cr at office, huwag ninyo na lamang silang papansin kasi wala lamang magawa iyan."

Mahirap man para kay Rowena ang pagiging ina at ama sa kaniyang kambal, ginagampanan pa rin niya ang trabahong magtataguyod sa buhay nila at magbibigay ngiti sa dalawang parehong mukha na lubusan niyang minahal. -Arabella Pascual/AngSipol2020online.com

14 views0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


bottom of page