top of page

"ComLab binibigyang benepisyo ang regular at pilot students" - Amador

Updated: Feb 21, 2020




Lumabas sa ginawang sarbey ng pahayagang Ang Sipol na mas nabibigyang oportunidad ang mga Pilot Students kumpara sa Regular Students sa paggamit ng Computer Laboratory (ComLab) ng paaralang Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National Highschool (CAYSMNHS) na taliwas sa pahayag ni Gng. Analisa Amador, tagapamahala ng ComLab.


Ayon sa guro, hindi lamang para sa mga pilot students nakalaan ang nasabing pasilidad, ngunit mas nabibigyan lamang ng oportunidad ang mga ito dahil sa pagkakaroon nito ng elective lalo na ang ICT.


Sa lumabas na sarbey, 72 porsyento ng mga mag-aaral ang sumangayon na mas nabibigyang pagkakataon ang mga pilot students sa paggamit ng Computer Laboratory ng paaralan, habang 28 porsyento naman ang nagsabing nabibigyan ng ComLab ng patas na paggamit nito.


Kaugnay nito, mayroong advanced subjects ang pilot sections kung saan umaabot sa mahigit dalawang oras ang asignatura kaya naman mas matagal ang ginugugol ng pilot students kumpara sa regular students na mayroon lamang 50 minuto sa paggamit.


Dagdag pa rito, dahil sa limitadong espasyo ng ComLab mas nabibigyang opurtunidad ang mga Pilot Students na binubuo lamang ng 40 na estudyantekumpara samahigit 60 estudyante sa Regular Section.


Depensa ni Amador, kulang ang mga computer para sa 60 na estudyante ngunit hangga't maaari, ginagawan ng paraan ng mga guro sa iba't ibang asignatura upang makagamit ang bawat estudyante sa isang seksyon.


Para naman sa ibang Regular Students, kahit ganito ang sitwasyon, malaki ang tulong sa kanila na nabibigyan sila ng pagkakaroon na gamitin ang Computer Lab sa asignatura na kinakailangan nila magdala ng komputer/laptop na mas naging madali para sa kanilang sitwasyon.


"Yung computer lab natin, open siya sa lahat, pwede sa regular students, pwede rin sa pilot students, bawat Caysmerinian pwedeng gumamit rito, sana wag din matatak sa isipan niyo na for pilot students only lang ang computer lab natin." mensahe ng guro sa mga estudyante ng paaralan.

-Ricca Mae Alido/AngSipol2020online.com

61 views0 comments

Comments


bottom of page