top of page

CAYS Volleyball Team ginitla ng Siena, bigong makapasok sa Finals

Updated: Feb 21, 2020







Sinamantala ng Siena College of Taytay ang dalawang magkasunod na errors ng CAYS Volleyball Team sa ikalawang set upang wakasan ang dikit na laban at tuluyang makapagmartsa sa Finals ng 2019 Municipal Meet Women’s Volleyball sa Manuel I. Santos MNHS, Agosto 10.


Matatandaang unang beses na giniya ng Siena ang CAYS noong unang araw ng Municipal Meet sa loob lamang ng dalawang set.


” Sobrang lakas kasi nila. Nahirapan kaming tapatan yung ginagawa nila kaya natataranta na kami lalo na nung unang set palang tsaka sila yung unang tumalo samin. Pero alam naman namin sa sarili namin na lumaban kami hanggang dulo.” saad ni Team Captain Joice Barilla.

Naging mailap ang unang yugto ng laban para sa CAYS matapos ibaon ng Siena sa matinding pagkakabaon nang magpaulan ng pamatay na blocks at spikes para itarak ang 25-8.

Dikit ang naging laban sa ikalawang set nang pinilit humabol ng CAYS sa pangunguna nina Barilla, Rosslyn Azarcon at kambal na sina Alyssa Joy at Alyssandra Tapawan ngunit nabigo sila nang makapagrehistro ng dalawang net errors ang CAYS para hindi makaabante sa Finals.

“Siguro ngayong year palang magsimula na kami ng training since halos lahat naman sa amin ay Grade 9 pa lang.” ayon kay Alyssandra Tapawan.

Samantala, nalasap din ng CAYS Men’s Volleyball Team ang kanilang pagkatalo matapos kaldagin ng San Beda University sa loob ng straight two sets victory, 21-25 at 24-26.

-Jhon Alray Angustia/AngSipol2020online.com

108 views0 comments

コメント


bottom of page