top of page

AP Teacher: ‘Indigenous Studies’ unti-unti nang naglalaho

Updated: Feb 21, 2020


Suot-suot ni Brix Pili,16 ang kasuotan ng tribong Igorot upang ipagmalaki ang kaniyang kinalakihang kultura noong ika-18 ng Oktubre 2019.



Inamin ng Departamento ng Araling Panlipunan (AP) ng paaralan na unti-unti nang nakalilimutan ng mga mag-aaral ang pag-aaral sa mga katutubong Pilipino na maaaring magdulot ng ‘di pagkakaunawa sa paniniwala.


Sa isang panayam, sinabi ni Robert Escobar, isang AP teacher sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School (CAYSMNHS), na hindi na binibigyang-prayoridad ang pag-aaral dito kung kaya’t madami ng hindi nakaaalam sa mga aralin patungkol sa mga ‘Indigenous people’.


“Ngayon kasi, hindi na ito napa-prioritize, although tinuturo pa rin naman siya, pero, ‘yun nga, hindi na nga siya masyadong iniintindi,” pahayag ni Escobar.

Sinabi ni Escobar, na hindi masyadong kilala ng mga Pilipino ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas kaya hindi nila nauunawaan lahat ng mga katutubo sa bansa katulad ng aeta, hiligaynon, lumad at iba pa.


Kaugnay nito, hindi hustong pinagtutuunan ng pansin ng mga nakatalagang asignatura tulad ng AP at MAPEH ang kultura at tradisyon ng mga katutubong grupo kung kaya’t hindi sila nairerepresenta maging sa kurikulum na mas nagbibigay-pansin sa mga banyagang bansa.


Sinabi naman ni Escobar na dapat magkaroon ng kinatawan ang mga nasabing grupo sa pamahalaan upang mas maihayag nila ang kanilang mga opinyon at makilala sila sa bansa.


“Dapat may kinatawan sila sa pagpapahayag ng kanilang saloobin, kasi kapag wala silang representative sa budget-making money, wala talagang papansin sa kanila,” paliwanag ni Escobar.

- Kyla Renee Sapno/AngSipol2020online.com




8 views0 comments

Comments


bottom of page