top of page

Ugnayan at pagmamahalan:Pagkakaibigan sa likod ng dalawang mundo

Updated: Feb 18, 2020


Bagamat tanyag bilang isang determinadong maintenance personnel si Joel Bergabera, 31 ang kaniyang natatanging koneksyon sa mga hayop tulad ng aso ang kaniyang nagsisilbing pundasyon ng kalakasan tungo sa kaniyang paghahanapbuhay.


Sa loob ng 13 taon pagseserbisyo sa paaralan ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School, tunay na hindi maipagkakaila ang kasipagang taglay ni Joel sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan, maging ang paglilinis nito sa sulok ng eskwelahan.


Mula sa kaniyang matatag na repleksyon ay natatago ang pagkalambot ng kaniyang damdamin pagdating sa mga hayop. Kadalasang makikita si Joel na naglilingkod sa paaralan kasabay ang aso na nakasunod sa kaniyang likuran.


Bunsod ng kaniyang mapagkalingang kamay, tila itinuturing na siya bilang tunay na amo ng asong ito. Wari ay pinaglapit ang puso ni Joel at ng aso bilang dalawang likhang makabubuo ng isang magandang samahan. Kahit na dalawang buwan pa lamang nagkakasama ang dalawa ay hindi na alintana kay Joel ang panganib na maaaring ibigay ng aso.


“Makikita mo naman sa aso kung mapanganib ba siya o hindi. Kaya kahit papaano, kinakalinga ko na ang asong 'to dahil naghahanap siya ng mangangalaga sa kaniya”, sambit ni Joel.

Bukod sa palakaibigang hayop na nakakasama ni Joel sa paaralan, ang kaniyang mga alagang aso at pusa sa bahay ay nagsisilbi niya ring kasiyahan sa oras ng pagsubok at hamon sa buhay.


“Nawawala lahat ng problema ko tuwing kasama ko sila. Sa kanila ko naibubuhos lahat lalo na at itinuturing ko rin sila bilang mga kaibigan ko”, ani Joel.

Gayunpaman, patuloy na naghahandog ng pagkalinga si Joel sa asong kaniyang nakilala upang mapunan ang hinahanap na pagmamahal nito. Nakatuon man ang kaniyang atensyon sa trabaho ay nakapaglalaan pa rin si Joel ng panahon sa pangangalaga sapagkat, ang kaniyang puso ay labis nang karugtong ng pulso ng bawat likhang tunay na maituturing bilang 'man's bestfriend'. -Alray Angustia/AngSipol2020online.com


5 views0 comments

Comments


bottom of page