top of page

Pagrampa ng kultura: Dugong etniko sa estilong kasuotan

Updated: Feb 18, 2020


Ipinapahiwatig ng mag-asawang sina Geleen Lorica, kaliwa at Prince Bergantinos, kanan ang pagpapahayag ng katutubong etniko sa pamamagitan ng kanilang negosyo sa SM Taytay, Rizal noong ika-27 ng Setyembre 2019.



Kabundukan ang karaniwang sumasalamin sa mga mababangis na hayop, nakakalasong halaman at mga ligaw na puno, subalit para sa magkasintahang Geleen Lorica at Prince Bergantinos, ito rin ay malaking tulong sa kanilang kabuhayan.


Mula sa kakaibang dedikasyon at malikhaing pag-iisip nina Prince at Geleen, nakalikha sila ng online store na "Bergel Project", na kung saan kabundukan, katutubong etniko at mga lugar sa bansa ang pangunahing inspirasyon dito.


Dala rin ng hilig sa hiking ay nakabuo sila ng kaisipang makabuo ng mga 'human safety ID' na nakalakip ang pangalan, medikal na kondisyon at tirahan ng mga namumundok.


“Naisip namin ang human safety ID na ito upang agad na matugunan ang mga nadidisgrasya sa pag-hiking,” sambit ni Prince.

Bukod pa rito, ang talento naman ni Geleen sa sining ay naging daan upang makagawa sila ng mga headwears na taglay ang mga katutubong disenyo.


Dahil sa kakaibang disenyo ay pumatok ang mga headwears ng magkasintahan na agad naman nilang binuksan ang pamilihan at maging bentahan nationwide na kung saan, nagkakahalaga ang isang headwear ng P200 at sa ngayon ay umaabot na nang 6,000 ang bilang ng kanilang mga gawa.


Taglay ng kanilang produkto ang mga disenyo ng mga patterns ng Ifugao, Yakan, Kalinga at maging ang mga koleksyon ng habi at banig na sinasabing malaking tulong sa mga pangkat-etniko sa bansa.


“Hindi man kami nakatutulong financially, pino-promote naman namin ang kanilang kultura through our business,” saad ni Prince.

Tunay ngang ang pagkahilig sa gawain ay magbubunga ng magandang resulta dahil tulad ng pagkahilig nina Prince at Geleen sa kabundukan at pagmamahal sa mga pangkat-etniko, unti-unti silang iniangat sa buhay gamit ang hilig na ginamit nilang pangkabuhayan. -Ricca Mae Alido/AngSipol2020online.com

14 views0 comments

コメント


bottom of page