top of page

Tanging Angkan: Pagsasayaw ng tribong Badjao sa himno ng kapalaran

Updated: Feb 19, 2020


Magiliw na sumasayaw si Gng. Usman, badjao sa bawat tambol ng musika upang makalikom ng pera mula sa mga taong dumaraan sa kahabaan ng Manila East Rd. Taytay, Rizal noong ika-13 ng Setyembre 2019.





Wari'y kasing bilis ng rumaragasang alon ng dagat ang paglayo ng tribung Badjao sa kanilang lugar sa Mindanao dulot na rin ng mga kaguluhang bumabagabag sa kanila,lumayo sila sa kanilang tirahang kinagisnan upang sumayaw sa bawat tunog ng tambol na kanilang kabuhayan.


Kabilang ang grupo ni Usman sa mga Badjao na lumipat ng lugar na dahil dito sila ay nakipagsapalaran sa munisipalidad ng Binagonan at sinikap na mag hanapbuhay upang maitaguyod ang kanilang angkan.

"Medyo magulo room kaya lumayas kami. Narito kami, pakalat kalat,sumasayaw at nagtitinda para kumita ," ani ni Usman.

Isang ginto man ang dagat para sa Badjao ay tila nilusaw ng giyera ang pananaw na ito sa kanila at bunga ng paglipat, tanging pagsasayaw na lamang ang nagbibigay laman sa mga kalamnan araw-araw.


"Gusto naming mabuhay pa kaya kami lumuwas dito. Hindi sapat ang mga isda upang bigyan kami ng kaligtasan ", ayon kay Usman.

Sa kabilang banda, kahit na marangal sa kanilang pinagkakakitaan, ang angkan ni Usman ay tampulan pa rin ng kritisismo mula sa mga tao na kanilang nakakasalamuha sa Binagonan.


" Hindi naman kami masama at hindi namin aangkinin ang lupa. Marangal kami at matino ", wika ng asawa ni Usman.

Sa kabila ng pagkaligaw ng angkan ni Usman sa buhay na kanilang hinahangad , ay patuloy pa rin silang lumalaban sa panibagong mundo na kanilang ginagalawan dahil para sa kanila, sa pagdayo at pagsayaw nila natagpuan ang tunay na himno ng pag-asa para sa kanilang tribo na minsan nang nalagay sa bingit ng panganib.



111 views0 comments

Comments


bottom of page