top of page

‘WORLD CLASS’ KATATAWANAN

Updated: Feb 19, 2020

Traffic lights sa rotonda, pinagtawanan ng Netizens, Motorista.


Dumadaan na mga sasakyan, pampasaherong jeep, traysikel, motor atbp. sa rotonda ng Tikling Taytay,Rizal noong ika-15 ng Disyembre 2019.



Binatikos at naging sentro ng katatawanan ng mga motorista at netizens ang ipinatayong ‘Experimental’ Traffic Light System ng Local Government Unit (LGU) sa rotonda ng Kaytikling, Taytay, Rizal matapos magdulot ng napakabigat na daloy ng trapiko.


Ayon kay Antonio Yuzon, residente ng Taytay na palaging dumadaan sa Kaytikling, malaking abala ang naidudulot ng LGU mataposang ‘experiment’ upang maisaayos ang trapiko sa Kaytikling.


“Magaling talaga, ‘Best Taytay’ ika nga. ‘Saka hindi naman dapat naglalagay ng traffic lights diyan kasi Rotonda ‘yan. Dapat tuloy-tuloy lang ang flow ng mga sasakyan. So, ‘yung ginagawa nila ay pasakit lamang sa aming mga motorista,” paliwanag ni Yuzon, petitioner.

Kaugnay nito, bukod sa Taytay, umabot hanggang Cainta, Binangonan, Angono at Antipolo City ang nasabing traffic kaya mabilis na kumalat ang paglalagay ng traffic lights sa mga social networking sites.


Idinudugtong ng Rotondang itoang ilang mga daanan tulad ng Ortigas Avenue, Manila East Road, L. Wood Road, Cabrera Road, at Antipolo City kaya kaliwa’t-kanang traffic angmakikita sa nasabing lugar.


Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Ruel Lacanieta, pinuno ng Taytay Traffic Management Group, na ipinalagay nila ito dahil sa mga reklamo ng mamamayan sa kakulangan ng mga traffic enforcers na nakatalaga sa nasabing lugar.


“Ginawa namin ‘yan para mapabilis ang daloy ng trapiko, marami kasing lugar ng pumapalibot d’yan sa rotonda. Aaminin na rin namin na kulang talaga sa enforcers, para mapadali angtrabaho, kaya naglagay ng ganyan,” pahayag ni Lacanieta.

Samantala, habang nagsasagawa ng inspeksyon sina Mayor Joric Gacula at Rizal Governor Rebecca Ynares, kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH)- Rizal, Rizal PNP at Highway Patrol Group, sinabi ng ipapahinto muna ang traffic light project at babawasan ang sukat ng rotonda.


“Eh, mabuti‘yan, matagal nang problema‘yan eh, dahil dito, hindi na naming kailangan mag-intay ng mahigit dalawang oras,” ani Rowena Del Valle, commuter.

Iminungkahi naman ng mga Taytayeños napag-aralan at pag-isipang mabuti ng LGU ang kanilang mga ginagawa at tigilan na ang ‘pag-e-eksperimento’ ukol sa mga problema ng bayan.

322 views0 comments

Komentarze


bottom of page