top of page

Civil Partnership Act, daan sa pagtanggap sa LGTBQ community; 17% ng mag-aaral nakiisa

Updated: Feb 18, 2020


Pinag-iisang dibdib sina Amy Asuncion, 35 (kaliwa) at Celly Santos, 28 (kanan) sa ilalim ng Civel Partnership Act sa LGBT's Christian Church, Quezon City, ika-23 ng Hunyo 2019.



Inihayag ng LGBTQ Community ang kanilang pagkatuwa ng isabatas ang House Bill No. 6595 o Civil Partnership Act matapos ang kanilang matagal pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.


Mahigit 17 porsyento ng mag-aaral sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School (CAYSMNHS) ang nakiisa sa pamamagitan ng pagsali sa parada na naganap sa Taytay, Rizal.

Binigyan ng House Bill No. 6595 ang mga miyembro ng LGBTQ community ng karapatang pumili ng kanilang papakasalan na siyang matagal ng adbokasiya ng grupo.



Sa isang panayam, sinabi ni Raquel Manlapaz, isang LQBTQ advocate sa CAYSMNHS, na naniniwala siya na magandang simula ito upang masolusyonan ang iba pang hinaing ng grupo kaugnay sa kanilang mga karapatan.


“Personally, naniniwala ako that this is a good way to start address the right of every LGBT community member and this is also a good way for them to better express their advocacies.”, pahayag ni Manlapaz.

Kaugnay nito, sinabi rin niya na makakatulong ang batas na ito upang masolusyonan ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag na matagal ng ipinaglalaban ng grupo.


Dagdag pa ni Manlapaz, senyales din ito ng unti-unting pagtanggap ng bansa sa mga miyembro ng LGBTQ Community.


Gayunpaman, sinabi din niya na isa din ang kasiguraduhan kung magiging daan ba ito sa pagkakaisa ng bansa sa mga problemang maaaring kaharapin ng grupo sa batas na ito.


“Unity sa country? Medyo malabo iyon. Hindi porket nabigyan sila ng kalayaan ipahayag ang sarili, hindi ibig sabihin nun maiintindihan na sila ng iba. Mayroon pa ring iba na magdidiscriminate sa kanila,” pahayag ni Manlapaz.

Paliwanag nito, magiging kaakibat ng batas na ito ang mga argumentong panrelihiyon na siyang matagal ng suliranin ng grupo.


Matatandaang hindi sinasang-ayunan ng simbahang katolika ang ‘same-sex marriage’ dahil sa pang paniniwalang Kristiyano.


“Syempre maayos at maganda effect sa kanila kasi sino bang ayaw makasama taong mahal nya? Good para sa kanila iyon pero syempre may mga arguments pa rin between sa law of God at iyong civil law.”, wika ni Manlapaz.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang grupo sa pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan upang tuluyan silang matanggap ng bansa. -Arabela Pascual/AngSipol2020online.com

51 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page