top of page

'Lubhang Pinagkakaitan'

Updated: Feb 21, 2020

Kaliwa Dam Project, ipinapahinto ng mga Dumagats

Nagsasaguwan sina Roberto Roxas, 46 (kaliwa) at Ellias Macapagal, 49 (kanan) patungo sa kabilang bahagi ng ilog sa Brgay. Daraitan Tanay, Rizal noong ika-20 ng Disyembre 2019.



Nanawagan ang mga Dumagats sa gobyerno ng lalawigan ng Rizal at Quezon na itigil ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam dahil sa mga banta nito sa kanilang kaligtasan at mga karapatan.


Sa isang pahayag, sinabi ni Agta-Dumagat-Remontado Tribe Leader Henry Borreo na lubhang maapektuhan ng proyektong ito ang pamumuhay nila dahil matatabunan ng Dam ang kanilang mga lupain na magiging sanhi ng pagkabura nito sa mapa.


“Our land is where we got our food. It is our livelihood. They are not only taking our lands, they are also taking our lives. We have a right to our ancestral domains,” pahayag ni Borreo.

Layunin ng Kaliwa Dam Project na matugunan ang krisis sa tubig na kinahaharap ngayon ng National Capital Region (NCR) dahil sa tuloy-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam.


Gayunpaman, nanindigan pa rin si Borreo at sinabing hindi makatwiran ang proyektong ito dahil mayroon pa ring maaaring gawin upang suportahan ang Angat Dam.


“There are many alternatives that can alleviate water shortage in Metro Manila. Instead of loaning billions from China, why don’t the government turn their attention to existing dams, like the Wawa Dam and Umiray Dam?” aniya.

Banta sa Kapaligiran


Naalarma ang publiko matapos isiwalat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isang ‘environmentally critical project’ ang Kaliwa Dam lalo’t itatayo pa ito sa isang Environmentally Critical Area.


Sinabi ni Borreo na maaring magdulot ng masamang epekto ang proyektong ito sa Sierra Madre Mountain Range na siyang panangga ng mga naninirahan dito sa mga bagyo at ‘storm surges.’


Kaugnay nito, magiging sanhi rin ito ng matinding climate change kung puputulin ang mga puno sa Sierra Madre upang bigyang-daan ang pagpapagawa sa Kaliwa Dam.


“We can already feel the effects of climate change. Seasons have been interchanging. If they construct the dam, they will kill thousands of trees in Sierra Madre, and this will affect not only us Dumagats and Remontado but millions and millions of Filipinos,” paliwanag ni Borreo.

Dumagats vs. Duterte


Ikinadismaya naman ng mga Dumagats ang pagsasawalang-bahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hinaing ng mga ito at sinabi rin na gagawin ang lahat upang maituloy ang ‘Kaliwa Dam project’ sa Tanay, Rizal.


Nilinaw naman ng Pangulo na gagawin niya lamang ito upang tapusin ang krisis sa tubig na nararanasan sa NCR kung saan nag-anunsyo ng water interruptions ang ilang water supply companies.


“If your concern, you local governments, is that it will pollute, it will destroy, I will just say to you, just place the safeguards. It might create some danger or damage, but that is not my concern. My concern is the welfare, the greatest good for the great number, that is democracy,” ani Duterte.

-Kriselda Quilloy/AngSipol2020online.com

200 views0 comments

Comments


bottom of page