top of page

CAYS Blue Whales sumandig sa tambalang Del Valle at Bolea, binawi ang titulo

Updated: Feb 21, 2020

Malakas na depensa ang ipinamalas nina Joyce Del Valle at Shanea Bolea, Taytay Builders kontra Binangonan Cagers sa Marikina Sports Complex Provincial Meet noong ika-16 ng Oktubre 2019.





Pumukol ng pinagsamang 31 puntos sina Joyce Del Valle at Shane Bolea para tulungan ang Cays Blue Whales na giyain ang homecourt team Siena College of Taytay, 44-28, at ibalik ang korona sa Women’s 5x5 Basketball sa ginanap na 2019 Municipal Meet, Agosto 9.

Kasabay ng malamig na panahon, ang malamyang simula na ipinamalas ng Cays Blue Whales matapos mahirapang bumuo ng puntos sa unang limang minuto ng laban, 0-2, ngunit agad na umalagwa sina Del Valle at Bolea na nagtarak ng walong puntos para ungusan ang Siena, 8-4.


Binawian agad ng Siena ang Cays matapos ang 6-0 run subalit agad bumangon ang Blue Whales at tinapatan ang anim na puntos upang manatiling nangunguna, 14-11.


Tuluyang pinakinang ng CAYS ang kanilang pangarap sa ginto nang magpakitang gilas si Bolea na kumamada ng isang three point shoot at tatlong lay ups na sinundan pa ng anim na puntos na ambag ni Del Valle.

Pinanatili ng CAYS ang kanilang pamamayagpag sa ikatlong yugto ng laban matapos magtulong sina Del Valle at Bolea sa walong puntos na sinagot lamang ng dalawang successful free throws ni Anna Villa upang itala ang 22-14 puntos sa unang na anim minuto ng kwarter.

Tuluyang pinakinang ng CAYS ang kanilang pangarap sa gintong medalya matapos kumamada ng limang sunod sunod na layups mula kina Del Valle, Eustaqio at Bolea, 39-24.


Winakasan naman ng CAYS ang laban sa isang pamatay na three point shot at jumpshot ni Raji Detera para isumite ang 44-28 puntos at mapasakamay muli ang inaasam na titulo.

-Lovely Ann Casi/AngSipol2020online.com


32 views0 comments

Comentários


bottom of page