top of page

CAYS' Alumni Tangalan pinasan ang Taytay Kickers sa ikalawang kampeonato

Updated: Feb 21, 2020

Determinadong sinisipa ni Ron Tangalan, 17 ang bola na naging dahilan upang makakuha ng kabuuang sampung puntos, 21-16 kontra sa twice-to-beat Montalban Legends sapat para tanghaling back-to-back champion sa 2019 Provincial Athletic Meet Men's Sepak Takraw na ginanap sa Angono Elementary School, Oktubre 24.





Tumikada si CAYS' former kicker Ron Tangalan ng kabuuang sampung puntos upang akayin ang Taytay Builders sa 21-16 puntos kontra sa twice-to-beat Montalban Legends sapat para tanghaling back-to-back champion sa 2019 Provincial Athletic Meet Men's Sepak Takraw na ginanap sa Angono Elementary School, Oktubre 24.


"Hinayaan lang namin yung mga mali naming galaw tsaka tira at nag-enjoy nalang sa laro kahit na alam namin na pwede nila ulit kaming matalo. Hindi kami nag focus lang sa laro kundi kung paano naglaro at nag-ambag yung bawat isa sa amin sa laro," pahayag ni ace spiker Tangalan.

Matatandaang giniya ng Montalban Legends ang Taytay Builders sa semifinals ngunit agad bumawi nang dispatsahin ang Cardona Lakeside sa loser's bracket at muling kalabanin ang Montalban sa Finals.


Agad na nagpasiklab ang Montalban Legends sa pagbubukas ng laro matapos magrehistro ni Jericho Balasbas ng magkakasunod at impresibong 11 puntos upang manatiling walang iskor ang Taytay.


Hindi ito hinayaan ni two-time Palarong Pambansa player Tangalan kaya agad na nagpamalas ng kaniyang galing nang magrehistro ng siyam na puntos, 9-11 at sinundan ng dalawang deadlock shots mula kay James Orgino sapat para magpantay ang iskor ng dalawang panig, 11-11.


"Napansin naming mahina ang depensa nila nung malapit na matapos yung laban. Dami na ring errors kaya nakahabol kami sa sobrang laking lamang nila," dagdag pa ni Tangalan.

Matagumpay na naipamalas ni Captain Stambongh ang karagdagang tatlong puntos, 14-11, kasunod ang paghataw ni Tangalan ng kaniyang pamatay na spikes upang ipalasap ang kanilang kalamangan sa Legends, 18-12.


Pinilit mang habulin ni Balasbas ang puntos ng Taytay, 18-16, nahirapan na ito nang ikasa na ni Tangalan ang kaniyang husay sa sepak sa pamamagitan ng pagpapakawala ng dalawang

service ace at isang header upang wakasan sa 21-16 ang laban.


"Masaya kami syempre, sana manalo kami sa next na laban hanggang sa marating namin yung Palarong Pambansa na talagang pinapangarap namin," ayon kay Stambongh
20 views0 comments

Comments


bottom of page