top of page

Sanhi ng Kamangmangan

Updated: Feb 14, 2020


Nakababahalang isipin na hindi nagkakaroon ng sapat na impormasyon ang karamihan sa patuloy na paglaganap ng ‘stunting’ sa ating bansa, kung paano nagkakaroon nito at ang katotohanan na malaking bahagi nito ang maaring hindi alam na sila ay ‘stunted.’


Upang bigyang linaw, ang ‘stunting’ ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na tangkad para sa edad na mayroon ang isang tao, kadalasan itong nakikita sa mga nasa edad lima pababa, ayon sa resulta ng National Nutrition Survey umabt sa 30.3% ang bilang na nasa gulang na ito at limang taon ng walang pagbabago ang porsyentong ito.


Kung iispin, nakalulungkot na mas malaki ang bilang ng kaso sa mga edad na ito na nararapat ay salungat sapagkat sa mga taong iyon narararapat natututukan ang kalusugan at sapat na pag-aalaga ang kinakailangan dahil kinokonsidera itong panahon ng pundasyon tungo sa pagkatuto.


Lumabas din na 44.2% ng mga ‘stunted’ ay mula sa mga pamilyang walang sapat na kakayahan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga nasa murang edad na kanilang mga anak at ang sapat na nutrisyon na nararapat nilang makuha.


Sa sitwasyong ito, masasabi na hindi pa nabibigyan ng sapat na impormasyon ang karamihan sa ‘stunting’ na nagiging dahilan ng kawalan ng kaalaman ukol dito at malaki pa rin ang pagkukulang ng mga organisasyon o departamento na nararapat manguna tungkol sa mga usaping ito.


Isa pa ay ang “First 1000 Days” na isa sa mga posibleng pagmulan ng ‘stunting’, ito ang nararapat na paglalaan ng sapat na atensyon na ilaan sa sanggol dahil ito ang panahon kung saan ipinauunlad o nagaganap ang pagkatuto sa isipan.


Ngunit kahit na malaki ang importansya nito lalo na’t makikita ang epekto nito sa pagtanda ng tao, marami ang hindi nakakaalam ukol dito partikular na ang mga ina na kung tutuusin ay may sapat na impormasyon dito.


Kaugnay nito, alam ng karamihan na ang kaakibat ng malnutrisyon ang kakulangan sa tangkad na kung lilinawin ay isa lamang ito sa epekto ng pagiging stunted.


Salungat ito sa katotohanan na ilan sa mga epekto ng pagiging stunted ang malnutrisyon at ang kakulangan ng tangkad.


Gayunpaman, sa patuloy na paglaganap o hindi pagkakaroon ng pagbabago sa bahagdan ng mga ‘stunted’ sa bansa masasabi na mayroon pa rin kakulangan ang mga opisyal na nararapat manguna upang masugpo ito.

492 views0 comments

Comments


bottom of page